Mas mababang temperatura sa Metro Manila ang naitala ngayong araw.
Manila – Enero 24, 2013 – Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), naitala kaninang alas-5:55 ng madaling araw ang 18.1°C na temperatura sa Maynila
Ito ang itinuturing na pinakamalamig na temperatura ngayong 2013. Samantala, noong Enero 21 ay bumama rin sa 18.8 °C ang temperatura sa NCR ngunit nananatiling record pa rin ang 15.1°C na naitala noong Pebrero 14, 1987.
Ayon kay PAGASA, ang malamig na panahon ay dulot diumano ng Amihan at cold front at inaasahan – dagdag pa nito – ang malamig na panahon hanggang sa kalagitnaan ng Pebrero.