in

Marcos, ililibing na sa Libingan ng mga bayani

Pinayagan ng Supreme Court (SC) ang paglibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

 

Nobyembre 8, 2016 – Matapos ang naging hatol ng Korte Suprema ngayong araw, Nobyembre 8, ay maililibing na sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulo Ferdinand Marcos makalipas ang halos tatlong dekada

Sa desisyong inilabas ng Korte Supreme, siyam na mga mahistrado ang bumoto pabor sa panukala, lima ang kumontra habang isa ang nag-inhibit.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos na ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sa kabila ito ng pagtutol ng mga biktima ng pang-aabuso ng karapatang pantao noong Martial Law.

Kabilang sa mga bumoto ng pabor sina:

Justice Presbitero Velasco Jr.

Justice Teresita Leonardo-De Castro

Justice Arturo Brion

Justice Diosdado Peralta

Justice Lucas Bersamin

Justice Mariano Del Castillo

Justice Jose Perez

Justice Jose Mendoza

Justice Estela Perlas-Bernabe

 

Ang mga bumoto naman kontra sa panukalang ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay sina:

Chief Justice Maria Lourdes Sereno

Justice Antonio Carpio

Justice Marvic Mario Victor Leonen

Justice Francis Jardeleza

Justice Alfredo Benjamin Caguioa

 

Nag-abstain naman si Justice Bienvenido Reyes.

Maaari umanong ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani dahil dati siyang pangulo at nagsilbi sa military, ayon sa gobyerno.

Ayon pa sa kanila, hindi naman maisasantabi ang kapakanan ng mga naging biktima ng martial law sa pagkakalibing ni Marcos.

Karamihan sa mga umalma sa pagpapalibing kay Marcos ang mga pinahirapan at naging biktima ng martial law.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ministry of Interior, nagpaliwanag ukol sa ‘refund’ ng mga permit to stay

Premio nascita at buono nido, para rin sa mga imigrante