in

Marcos, Inilibing na sa LNMB

Inilibing na ang dating pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) ngayong araw.

 

Nobyembre 18, 2016 – Sa kabila ng kaliwa’t kanang protesta matapos magdesisyon ang Korte Suprema na dapat umanong mailibing ang dating pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand E. Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) ay inilibing na ngayong araw, Nobyembre 18 sa nabanggit na himlayan ang labi ng dating panulo. 

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, inanunsyo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Supt. Oscar Albayalde sa isang panayam sa radyo na ililibing ang diktador sa araw ding iyon. Pero bago pa umano ito kinumpirma ni Albayalde, kumalat na sa social media ang mga haka-hakang ililibing si Marcos sa LNMB noong umaga ring iyon.

Ang labi ng dating pangulo ay isinakay sa isang helicopter upang dalhin ito sa Maynila. Nang makarating umano ang mga labi sa LNMB, alas-11:30 at isinakay ito sa isang karwahe patungo sa kanyang hihimlayan at inilibing ng bandang alas-12:00 ng tanghali.

                                    photo credits: Imee Marcos/facebook

 

Simple at maayos lamang umano ang hiling sa kanila ng pamilya Marcos, sabi Albayalde. Ayaw umano ng pamilya Marcos ng isang magarbong libing para sa dating pangulo.

Wala naman pong hininging specifics ‘yung Marcos family. They want it it to be very very simple as much as possible ‘yung maintenance lang ng peace and order,” saad ni Albayalde sa DZMM, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Nagpatupad din nang mahigpit na seguridad ang PNP.

Samantala, walang kamalay-malay umano ang Presidential Communications Office (PCO) ng Malacañang hinggil sa biglaang libing ng dating pangulo sa LNMB.

“So far, the PCO has no knowledge of that instruction. We don’t have any knowledge of the burial. The schedule and everything, we don’t have. Perhaps, the PNP, yes… We don’t really know. We honestly don’t know,” iginiit ni PCO Assistant Secretary Marie Banaag sa isang pres-con sa Malacañang, ayon naman sa ulat ng GMA News.

Matatandaang inilabas desisyon ng Korte Suprema na dapat umanong mailibing ang dating pangulo sa LNMB noong Nobyembre 8 sa botong 9-5, na pabor sa pagpapalibing kay Marcos sa LNMB.

Narito ang isang video na ibinahagi ng Imee Marcos page sa facebook:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Conversion ng permesso per studio sa permesso per lavoro ng decreto flussi, narito kung paano

Italian language obligado sa mga negosyante, stop mula sa Antitrust