Marso 17, 1521 ng marating ni Ferdinand Magellan ang pulo ng Homonhon sa timog-silangan ng Samar.
Noong Marso 17, 1521, ay narating ni Ferdinand Magellan (Fernando Magallanes) ng kaniyang ekspedisyon ang pulo ng Homonhon sa Samar.
Si Magellan ay isang Portuges na naglilingkod sa ilalim ng watawat at Hari ng Espanya ay nagsimulang maglakbay noong 1519 mula sa Espanya upang isagawa ang unang paglalayag sa paligid ng mundo. Ang panggagalugad ni Magellan ay binubuo ng limang mga barko tinatawag na San Antonio, Santiago, Concepcion, Victoria, at Trinidad na mayroong 264 mga tauhang mandaragat.
Ang mga pulo ay pinangalanan ni Magellan bilang Kapuluan ni San Lazaro, at inangkin ang mga lupain para sa Kaharian ng Espanya, sa ilalim ng pangalan ni Haring Charles I ng Espanya (Carlos I).
Si Magellan at ang kaniyang mga kasama ang sinasabing unang mga Europeong nakarating sa Pilipinas.
Marso 31,1521 ng narating ang Limasawa sa Leyte at idinaos dito ang unang misa sa pangunguna ni Padre Pedro de Valderrama. Pagkaraan ng misa, nagtayo ng isang krus ang mga Espanyol sa itaas ng isang burol. Nasaksihan ito ni Rajah Kolambu, pinuno ng Limasawa at ang kanyang kapatid na si Rajah Siaui, pinuno ng Butuan.
Abril 5,1521 – Pagdating nila Magellan sa Cebu ay nagtayo sila ng krus sa pampang na nangangahulugan na inaangkin nila ang teritoryo sa ngalan ng Spain. Sila ay tinanggap ni Rajah Humabon, ang pinuno ng Cebu.
Isinagawa ang pagbibinyag sa mga katutubo ng Cebu noong Abril 14,1521. Kasama ng humigit-kumulang sa 800 mga Cebuano, ay nabinyagan si Raha Humabon at ang kanyang asawa na si Hara Amihansa ngalan ng Kristiyanismo.
Ang hari ng Cebu na si Rajah Humabon at ang kanyang reyna ay binautismuhang Katoliko na kumukuha ng mga pangalang Carlos bilang parangal kay Haring Carlos ng Espanya at Juana bilang parangal sa ina ni Carlos. Upang alalahanin ang pangyayaring ito, ibinigay ni Magellan kay Juana ang Santo Niño bilang tanda ng bagong alyansa.
Dahil sa impluwensiya ni Magellan kay Rajah Humabon, ang isang kautusan ay inutos ni Humabon para sa mga kalapit na hepe na ang bawat isa sa kanila ay magbibigay ng mga suplay ng pagkain sa mga barko at pagkatapos ay magkokonberte sa Kristiyanismo. Ang karamihan sa mga hepeng ito ay sumunod dito ngunit si Datu Lapu-Lapu na isa sa mga pangunahing hepe sa loob ng isla ng Mactan ang tanging tumutol.
Tinulungan ni Magellan si Raha Humabon na labanan si Datu Lapu-Lapu. Namatay si Magellan sa labanang ito noong Abril 27, 1521.
Ang natira pang mga Kastila sa kapuluan ay nagkaroon ng alitan, kabilang na ang pagtatalo ni Raha Humabon at ng mga Kastila hinggil sa kababaihan. Sa isang pag-aaway, napaslang ng mga Cebuano ang 27 mga Kastila. Nilisan ng mga Kastila ang Cebu upang ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay. Nakabalik sa Espanya ang barkong Victoria (isang barko lamang na may nalalabing 18 mga tauhan) pagkaraan ng tatlong mga taon.