Ang martial law ay idineklara ng Pangulo kahapon matapos ang mga kaguluhan sa lungsod ng Marawi.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte bago umalis ng Moscow, Russia asahan umanong magiging marahas ito sa pagpapatupad ng Martial Law sa Mindanao. Ito ay upang masugpo ang karahasan at ma-neutralize ang teroristang Maute Group.
Ang martial law ay idineklara ng Pangulo kahapon matapos ang mga kaguluhan sa lungsod ng Marawi. Ilang establisyamento ang sinunog ng Maute Group kabilang ang St. Mary’s Church, city jail, Ninoy Aquino school at Dansalan College.
Kinakailangan umano ang pagdedeklara nito “to suppress lawless violence and rebellion and for public safety” ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella.
“The president has called me and asked me to announce that as of 10 p.m., Manila time, he has already declared martial law for the entire island of Mindanao,” wika ni Abella sa isang pulong balitaan sa Moscow.
“Sa mga kababayan natin, do not be too scared. I’m going home. I’m cutting my visit here to be with my countrymen and I will deal with the problem when I arrive. But let me just tell everybody that I have declared martial law in Mindanao. How long? Well, if it would take a year to do it, then we will do it. If it’s over within a month, then I’d be happy. Pero ang martial law is martial law is martial law. So, kayong mga kababayan ko, you have experienced martial law, it would not be any different from what President Marcos did. I’ll be harsh. I was asked one time, I think it was during the campaign in La Salle, I was asked how I would deal with terrorism. I said I will be harsh. And sinabi ko nga sa lahat, do not force my hand to do it. I have to do it to preserve the Republic of the Philippines,” ani Pangulong Duterte.
Sinigurado naman ni Abella na kontrolado ng gobyerno ang sitwasyon sa Mindanao.
Sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kabilang sa pagdedeklara ng martial law ang suspension ng writ of habeas corpus, pagpapatupad ng curfew ang paglalagay ng mga checkpoint.
Nagsimula ang kaguluhan nang makasagupa ang mga awtoridad ang Maute Group kasunod ng paghahain ng arrest warrant para kay Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon.
Tatagal ng 60 araw ang martial law sa Mindanao ngunit kailangan muna itong aprubahan ng Kongreso sa loob ng 48 oras mula nang ideklara ito.
Samantala, ayon sa ulat ng Bombo Radyo, nagmistulang ghost town ang buong lungsod ng Marawi ngayong araw ng Miyerkules.
Nagkanya-kaniya na sa paglilikas ang mga residente at sinamantala rin ang ceasefire dahil sa kumakalat na text messages na binigyan lang sila ng hanggang alas-12:00 ng tanghali na lumikas dahil nagbanta ang mga Maute group na may gagawing pambobomba sa nasabing lugar.