in

Matatag ang paninindigan ng gobyernong Aquino sa mga adhikain ng Edsa Revolution

Naninindigan nang matatag ang gobyernong Aquino sa mga adhikain at pangako ng EDSA People Power Revolution kasabay ng panawagan sa taong bayan na laging tandaan ang pamana ng payapang himagsikan ng Pebrero 1986 na nagpabagsak sa diktaduryang Marcos.

altPebrero 28, 2012 – “Sa paggunita sa makasaysayang pangyayari sa People Power noong nakaraang Sabado, dapat  din nating tandaan ang pangako ng EDSA—ang pangako ng tunay na demokrasya, ng isang pamahalaang nagha-handog ng makabuluhang paglilingkod sa bayan, at ng isang bansa kung saan ang kapangya-rihan ay nasa mga kamay ng karaniwang mamamayan,” sabi ni Deputy Presidential Spokes-person Abigail Valte sa pahayag Biyernes.

“Upang matupad ang mga pangako ng EDSA, wika ni Valte, patuloy na sinisikap ng administrasyon ang pag-unlad at tiyakin ang mabisang sistema ng katarungan para sa lahat. Ang mga repormang sinimulan ng gobyernong Aquino ay namumunga na at patuloy na kikilos upang lubusang masugpo ang katiwalian,” dagdag ni Valte.

Idinugtong niyang itutuon ng pamahalaan ang pansin upang lubusang matamo ng madla ang serbisyong panlipunan, may kalidad na edukasyon at kalusugan, at iba pang pagkakataon upang sila ay umunlad.

“Habang patuloy tayo sa paggawa ng makabubuti sa sambayanang Pilipino, nananawagan tayo sa ating mga kababayan, lalo na sa kabataan, na huwag kalilimutan ang pamana na ibinigay sa atin ng People Power. Mula sa madidilim na araw ng Martial Law, kung saan namayani ang kasakiman at pagmamalabis sa kapangyarihan, nasaksihan ng daigdig ang katangi-tanging pagkakaisa, giting at tatag ng kalooban ng mga Pilipino na humantong sa mapayapang pagpa-patalsik ng diktador at panunumbalik ng demokrasya ng isang bansa,” wika ni Valte.

Nanawagan din siya sa mga Pilipino na makibalikat sa pagpapalakas ng demokrasya at tiyaking ang bansa ay patuloy na sasagana at matatamo ang pangarap na isang Pilipinas na walang maiiwan.

Pinagunahan ng Pangulong Benigno S. Aquino III noong nakaraang Sabado ng umaga ang pagdiriwang ng Ika-26 na Taon ng EDSA People Power Revolution sa People Power Monument sa EDSA.

Inalisan rin ng tabing ng Pangulo ang bantayog ni Kardinal Jaime Sin, na inukit ni Ed Castrillo, sa Aquino Park kung saan matatagpuan rin ang mga monumento ng dating Presidente Corazon Aquino at kanyang asawa, ang dating Senator Ninoy Aquino Jr. Si Kardinal Jaime Sin ay isa sa mga malaki ang ginampanan sa EDSA People Power Revolution noong Pebrero 1986.

Ang naging paksang diwa ng pagdiriwang sa taong ito ay ang : “Ano ang Iyong Taya Para sa Pilipinas Natin?” (Balitang Malacanang)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Integration agreement at point system ng mga permit to stay, sisimulan na!

THE GRADUATION – Unang bahagi