Marso 22, 2012 – Inanyayahan ngayon araw na ito ng World Wildlife Fund Philippines ang lahat ng mga Pinoy na makiisa sa Earth Hour na lalahukan din ng iba’t-ibang mga bansa sa buong mundo (tulad ng Italya) sa darating na Marso 31, araw ng Sabado.
Ang inisyatiba ay tumutukoy sa pagpapatay ng mga ilaw ng isang oras na magsisimula ng alas otso y medya ng gabi hanggang alas nueve ng gabi sa Pilipinas.
Ayon sa World Wildlife Fund Philippines CEO Lorenzo Tan layon ng Earth Hour ang maimulat ang lahat hinggil sa lumalalang problema ng climate change.