Rome, Mayo 11, 2012 – Ayon kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippines National Police (PNP) ay dapat kumpiskahin ang mga gamot mula China tulad ng sex energy-enhancing pills, slimming at whitening pills na may halo diumanong fetus powder o karne ng sanggol.
Kasabay nito ang panawagan sa publiko na huwag ng bumili ng mga nasabing gamut, matapos kumalat ang sa isang segment sa British Broadcasting Corporation (BBC) ukol sa mga gamot na galing China na nahuli sa Korea.
Kumpirmado diumano ng Korean authority, na maraming gamot ang may halong human flesh, tulad ng karne ng fetus at placenta o bahay-bata.
Samantala, ang Food and Drug Administration (FDA) ay sinusuring mabuti ang posibleng naging shipments ng tinatawag na “wonder pills” na nakapasok ng bansa.
Ayon pa kay FDA Director Reynaldo de Vera ay high alert sila at nakikipagtulungan sa Bureau of Customs ukol sa isyu.
Pinag-iingat din ang publiko sa pagbili ng mga imported food supplements na walang english labels na maaring hindi rehistrado