in

Mga nasawi at pinsala ng bagyo, patuloy sa pagtaas

Umakyat na sa 714 ang bilang ng mga namatay dahil sa Bagyong Pablo, 457 na ang mga nakilalang bangkay samantla 257 naman ang kinikilala pa ng mga awtoridad at mga kamag-anak at pamilya, ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) alas-6:00 ng umaga,

Karamihan sa mga nasawi ay mga residente ng Davao Oriental at Compostela Valley sa Region XI kung saan umaabot na sa 663 ang patay.

Mayroong 14 na naitalang nasawi sa Misamis Occidental, Misamis Oriental, Bukidnon at Cagayan de Oro City sa Region X, gayundin sa Surigao del Sur, Surigao del Norte at Agusan Del Sur sa Caraga.11 naman ang naitala sa Region VII; 4 sa Region XII; 3 sa Region IV-B, 3 sa Region VIII; 1 sa Region VI at 1 rin sa Region IX.

Samantala, 890 naman ang naitalang nawawala at 1,906 na sugatan. 

Umaabot sa 486,554 na pamilya o 5,408,900 indibidwal ang mga sinalanta ng Bagyong Pablo sa Regions IV-B, VI, VII, VIII, IX, X, XI, XII at Caraga. Ang mga nasa evacuation centers
naman ay nasa 65,941 pamilya.

Umaabot sa 114,583 ang mga kabahayan ang winasak ng bagyo at 29 na tulay at mga kalsada pa rin ang hindi madaanan, ayon pa rin sa NDRRMC.

Sa kabuuan, umaabot na sa P7,116,388,040.07 ang halaga ng pinsala ng bagyo sa imprastraktura, agrikultura at iba pang ari-arian.

Nakataas pa rin ang state of national calamity, partikular sa mga lugar na pinakamatinding sinalanta ni Pablo.
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Puto Bumbong

Dalawang araw ng strike ng mga gasolinahan, kumpirmado