in

Miss World 2013 Megan Young, nagtungo sa palasyo

"Visiting Senate, Congress and President Benigno Aquino III today has been a wonderful experience, something I never expected to happen. It is the greatest honor any Filipino citizen could receive."

Manila, Oktubre 14, 2013 – Ito ang binitawang salita ni Miss World 2013 Megan Young matapos ang ginawang courtesy call kay Pangulong Noynoy Aquino sa reception hall ng Malakanyang.

Lubos ang ginawang pagtanggap at pagbati ni PNoy sa kauna-unahang Miss World ng Pilipinas. Matapos ay nakipag-usap din ito pati kay Miss World Organization chairperson Julia Morley.

Nagtungo rin sa Kamara si Young matapos sa palasyo at kinilala sa pamamagitan ng inaprubahang House Resolution 368 ng mga mambabatas. Labis ang naging pasasalamat ni Young sa pagkilala ng mga opisyal ng bansa.

Bago sa palasyo ay unang pumunta sa Senado si Young. Dito ay iprinisinta ni Senate President Franklin Drilon ang resolusyon na kumikilala sa kanya bilang Miss World 2013.

Matatandaang tinanghal bilang "Miss World 2013" ang pambato ng Pilipinas na si Megan Young noong nakaraang Sept. 30sa Bali, Indonesia.  Siya ang kauna-unahang Pinay na nag-uwi ng korona mula nang sumali ang Pilipinas noong 1966.

Tinalo ng 23-anyos na aktres ang 126 na kandidata mula sa iba't ibang bansa para pumalit sa Miss World 2012 mula sa China na si Wenxia Yu.

Sa Q & A portion, tinanong si Young: "Why should you be Miss World?".

"Miss World for me treasures the core value of humanity and that guides her into understanding people, why they act the way that they do, how they're living their lives and I will use these core values in my understanding not only in helping others but to show other people how they can understand others, to help others so that as one, together, we shall help society," sagot ni Young.

Itinanghal namang 1st runner-up sina Miss France Marine Lorphelin at 2nd runner-up si Miss Ghana Carranzar Naa Okailey Shooter.

Labis ang naging pasasalamat ni Megan Young sa suporta ng mga Pinoy matapos koronahan bilang Miss World 2013.

"Salamat sa mga kababayan ko. Mahal na mahal ko kayo… Salamat, salamat talaga sa aking mga kababayang Pilipino, para sa inyo 'to”, emosyunal na sinabi ni Megan.
 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Krisis, sanhi sa nabawasang bilang ng mga permit to stay

Lindol sa Bohol, kasinlakas ng 32 Hiroshima atomic bombs – Philvocs