Ang pagkakaroon ng multi-purpose NBI clearance ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mas mapadali ang serbisyo ng gobyerno sa publiko.
Pebrero 22, 2017 – Nalalapit na ang pag-iisyu ng multi-purpose NBI clearance ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pilipinas.
Ito ay matapos ipag-utos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa pamamagitan ng isang department circular noong Pebrero 15.
Mabilisan ang gagawing pagpapatupad ng pagbabago sa mga NBI clearance form kung saan makikitang nakasulat ang “Issued for whatever legal purpose”.
Sa kasalukuyan, iba’t- ibang klase ang iniisyung clearance ng NBI depende kung saan ito gagamitin gaya ng employment, journey overseas, marriage, enterprise requirement, change of title, naturalization at iba pa.
Ayon kay justice secretary ang hakbang na ito ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas mapadali ang serbisyo ng gobyerno sa publiko at mabawasan ang gastos ng mga mamamayang Filipino sa pagkuha ng kanilang mga dokumento.
Sisimulang ipatupad ang multi-purpose NBI clearance, 15 araw matapos mailathala ang notices sa mga pahayagan.