Hindi mahulugang karayom ang libu-libong mga deboto na nakiisa sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Pasasalamat na ginanap sa Cebu City noong nakaraang Biyernes ukol sa pagkakahirang sa ikalawang santong Pilipino na si Pedro Calungsod.
Hindi magkamayaw ang mga tao sa magkahalong emosyon at kagalakan sa pagdating ng imahen ni San Pedro Calungsod.
Buhat pa sa iba't ibang panig ng bansa at mayroong dalang mga palaspas bilang simbulo na rin ni San Pedro, ay sinalubong ang imahen ng ikalawang Pilipinong santo kasunod ni San Lorenzo Ruiz.
Pinangunahan ang pagdiriwang ni Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal. Dumalo rin bilang mga panauhin sina Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III at Vice President Jejomar Binay sa nasabing selebrasyon.