Maynila, Disyembre 23, 2013 – Mahigit anim na linggo matapos manalasa ang Bagyong Yolanda ay patuloy pa rin ang pagtatala ng mga nasawi.
Ayon sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon ay tumaas sa 6,109 ang bilang ng mga namatay.
Nanatili naman na sa 27,665 ang sugatan habang 1,779 pa rin ang nawawala hanggang sa ngayon.
Kabuuang P36,622,812,497.27 ang pinsalang idinulot ng bagyo kung saan parehong mahigit P18 bilyon ang nasira sa imprastraktura at agrikultura.