Ayon sa NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council) ay aabot diumano sa 106, 730 katao, may kabuuang 21,560 pamilya ang apektado sa hagupit ng bagyong Pablo.
Sa updates kaninag umaga bandang 6 a.m. (Pilipinas) ng NDRRMC, ay inulat na nasa 17, 678 ang mga pamilya, o 86, 912 katao ang kasalukuyang nanunuluyan sa 162 na evacuation centers sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Apektado rin umano ang 132 na mga barangay mula sa 58 na mga bayan, 8 siyudad sa 13 mga probinsiya ng Regions VIII, X at XI.
Samantala, sa isang himpilan ng NDRRMC ay inihayag ni executive director Usec. Benito Ramos na sa pinakahuling tala na umabot na sa 95 katao ang mga namatay sa bagyo.
Nauna nang ibinalita nitong Miyerkules ni Interior Secretary Mar Roxas na umabot na sa 82 ang mga nasawi, ayon sa panayam ng Agence France-Presse.
Ayon kay Interior Secretary Mar Roxas, nakumpirmang umabot na sa 82, habang 21 naman ang nawawala pa sa isinagawang inspection visit.