Department of Health – 1,558 na ang mga OFWs na may HIV at naitalang 12% ang tinamaan nito noong Enero at Pebrero.
Manila Philippines – Hindi lamang sa karapatan at kaligtasan nanganganib ang mga overseas Filipino workers (OFWs) dahil maging sa nakakahawa at nakakamatay na sakit na Human Immunodeficiency Virus (HIV) ay hindi nakakaligtas ang mga ito.
Napag-alaman ni LPGMA partylist Rep. Arnel Ty na 12% sa mga tinamaan ng HIV noong Enero at Pebrero ay pawang mga OFWs na umuwi sa bansa.
Nabatid na umaabot sa 311 ang naidagdag na bilang sa mga HIV victims sa unang dalawang buwan ng taong kasalukuyan kung saan 36 dito ay pawang mga OFWs.
Sa ngayon aniya ay 1,558 na ang OFWs na nahawaan ng HIV o katumbas ng 1/4 sa 6,326 na naitalang kaso ng National HIV and AIDS Registry ng Department of Health (DOH).