in

Ofws sa China, ayos ang kalagayan

altSa kabila ng mainit na tensyon sa pagitan ng China at ng Pilipinas, kinumpirma ni Vice President Jejomar Binay na walang natatanggap na report ukol sa pagmamaltrato sa sinumang ofw mula sa China.

Wala kaming natatanggap na balita ng mga OFW na minaltrato sa China. Naniniwala po ako na hindi magiging dahilan ang Panatag Shoal para mangyari yon,” ayon kay ngayong lunes sa isang statement released.

Binanggit din ni Binay ang ukol sa travel advisory laban sa Pilipinas na inisyu ng Chinese Embassy na nagbigay ng babala ng pananatili sa kani-kanilang tahanan habang nagaganap ang protesta noong nakaraang linggo.

Ito diumano ay para sa ikabubuti ng mga Chinese na nasa bansa ayon pa kay Binay.

Naniniwala din diumano na makakahanap ng isang mapayapa at diplomatikong solusyon ang dalawang bansa. Ito rin umano ang hangarin ng DFA o Department of  Foreign Affairs ukol sa standoff.

Dahil dito, inaanyayahan ni Binay na maging maingat ang lahat sa paglalabas ng mga statements na maaaring magpalala lamang sa sitwasyon tulad ng balitang naghahanda sa giyera ang China.

Mahirap dahil marami tayong naririnig pero hindi naman pala yun ang official position ng mga bansang involved,” sabi pa ni Binay.

Hindi ba may lumabas na balitang naghahanda na sila sa gyera pero pinabulaanan din nila agad na hindi ito ang official stand nila. Pareho tayong may mga pagkukulang pero unti-unti inaayos na,”  pagtatapos pa nito.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Kadalasan ay hindi tayo handa sa imigrasyon” – Monti

Derek at Angelica broke-up, kumpirmado