Batay sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC),umakyat na sa 41 ang opisyal na bilang ng mga namatay sa paglindol sa Negros Oriental ngayong Lunes; 54 naman ang sugatan habang 67 naman ang nawawala.
Samantala, isang paunawa ang ipinalabas ng Embahada ng PIlipinas sa Italya kamakailan ukol sa lindol sa Negros.
1. Maaaring makipag-bigay alam ukol sa nawawalang pamilya, kamag-anak o kaibigan sa pamamagitan ng NDRRMC Operations Center sa numero (+632) 911-1406, 912-2665, 912-5668, o mag-email sa dopcen@ndcc.gov.ph, dopcenbackup@gmail.com.
2. Matatagpuan sa website ng NDRRMC www.ndrrmc.gov.ph.ang mga updates ukol sa lindol maging sa mga aftershocks nito.
3. Ayon sa NDRRMC ang naganap na lindol ay hindi maituturing na nasa catastrophic level ngunit maaaring tumanggap ang kanilang tanggapan ng donasyon. Maaaring bisitahin ang website para sa detalyadong impormasyon.
4. Department of Social Welfare and Development (DSWD) Hotline: (+632) 232-1192)
5. Ang Philippine Red Cross (PRC) ay tumatanggap rin ng mga donasyon sa pamamagitan ng bank transfer. Maaaring bisitahin ang mga website www.redcross.org.pho mag-email prc@redcross.org.ph, fundgeneration@redcross.org.pho o tumawag sa numero (+632) 527-0000.