in

P.3, ang bagong Philippine Covid19 variant, kumpirmado

P.3, ang bagong Philippine Covid19 variant, kumpirmado

Kumpirmado ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng bagong Philippine Covid19 variant. Ito ay tinatawag na P.3

Ayon sa mga huling ulat, hanggang noong nakaraang March 13, bukod sa UK, South Africa at Brazil variants ay mayroong 98 cases ng bagong P.3 ang kasalukuyang binabantayan sa Pilipinas. Naitala na rin ang unang kaso ng P.3 sa Japan at 2 kaso sa UK

Kasalukuyang pinag-aaralan pa ng mga researchers kung totoong mas nakakahawa ba at kung mas agresibo ang bagong P.3 variant. Gayunpaman, nagbabala ang isang infectious disease expert sa Pilipinas sa pagiging mas nakakahawa nito.

Hanggang ngayong araw, Marso 17, 2021, ayon sa datos ng DOH, ang kabuuang bilang ng mga naitalang kaso ay 635,698 sa bansa, 9.7% (61,733) ang aktibong kaso, 88.3% (561,099) na ang gumaling, at 2.02% (12,866) ang namatay.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako Ay Pilipino

Pasaherong pahihintulutang makapasok sa Pilipinas, lilimitahan

Ano ang required salary sa pag-aaplay ng italian citizenship?