in

P25.4-B pork barrel, inilaan ng Kamara sa ilang kagawaran

Manila, Setyembre 16, 2013 – Inihayag ni Appropriations Committee Chair Isidro Ungab nitong Lunes sa sponsorship speech sa Kamara na binura na ng Kamara ang lump sum item sa panukalang 2014 national budget at inilaan ang P25.4 bilyong Priority Development Assistance Funds (PDAF) o pork barrel  sa ilang kagawaran.

Tumutukoy ito sa P25.2 bilyong pork barrel ng Kongreso at P200 milyon ng Office of the Vice President (OVP) ni Jejomar Binay.

P2.669 bilyon ang inilipat na sa Commission on Higher Education (CHED) at P1.022 bilyon sa Department of Education (DepEd) para sa educational assistance.

P3.691 bilyon ang inilaan sa Department of Health (DOH) at mga government hospitals bilang medical support sa mga mahihirap na kababayan.

P4.71 bilyon ang inilagay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa medical at funeral assistance, habang P3.691 bilyon ang sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) bilang employment assistance.

P9.654 bilyon para sa infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH)

Ang mga proyektong popondohan ng pork barrel sa mga kagawaran ay tutukuyin ng mga mambabatas bago tuluyang aprubahan ang budget bill sa ikatlong pagbasa na inaasahang maipapasa sa katapusan ng Oktubre.

Upang matiyak ang kaganapan ng mga proyekto, nasasaad sa  inilatag na panuntunan ang pagbabawal sa pagdaan nito sa non-government organizations (NGOs) at paggamit sa labas sa congressional districts. Nasasaad din ang pagsunod sa mga government procurement laws sa paggamit ng nasabing pondo. Aatasan din ang isang third party na magmo-monitor sa mga proyekto at ang syang maglalagay ng mga report sa government websites.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italyano nasaksak, matapos awatin ang mga nag-aaway na Pinoy

SALE AL COLLE LA DELEGAZIONE DIPLOMATICA FILIPPINA