in

P680M para sa Metro Manila flood control projects

Manila – P68alt0 milyon ang ipinalabas ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III para sa flood control at pagpapaganda ng Metro Manila. Ipagkakatiwala ang nasabing pondo sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at maliban sa flood control ay gagamitin din ito sa solid waste management at iba pang urban renewal projects, ayon kay Budget Secretary Florencio Abad.

P295.6 milyon ng halagang ito ang gagamitin sa konstruksyon ng pumping station sa Salapan Creek sa San Juan City upang maiwasan ang pagbaha sa mga pangunahing barangay dito at maging sa Quezon City samantalang ang relokasyon sa mga informal settlers ay babalikatin ng National Housing Authority at iba pang sangkot na local government units. Samantala, P154.4 milyon naman ang gagamitin sa urban renewal, flood control at traffic management projects sa buong Metro Manila.

Inaasahan naman ng mga mamamayan na gagamitin ng MMDA ang pondo para magamit sa mga kritikal na proyekto ng MMDA para linisin ang Kamaynilaan partikular ang mga waterways at mag-establisa ng mas ligtas na lugar sa mga residente ng Metro Manila lalo na kapag panahon ng tag-ulan.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paano at kailan ginagamit ang self-certifcation?

Makabuluhang pagbabawas sa bagong buwis ng mga permit to stay, pinipilit gawin ng pamahalaan