Kasama ang kanyang maybahay, isang mainit na pagtanggap at pangakong panonoorin ang kanyang susunod na laban!
Washington DC – Isang imbitasyon mula kay President Obama at Vice president Joe Biden para kay Philippine pride boxing legend at Cong. Manny Pacquiao at sa kanyang maybahay na si Jinky para sa isang closed-door meeting sa White House. Isang bagay na hindi naisakatuparan ng ilang presidente ng bansa tulad ni Presidente Arroyo.
Matapos ang mainit na pagtanggap sa Philippine pride boxing legend at Cong. Manny Pacquiao ni Senate Majority leader Harry Reid ay pinasyal din ito sa senate floor. Pinasalamatan din si Pacquiao sa diumanong tulong nito sa kanya sa nakaraang halalan. Si Harry Reid ay isang long-ago boxer na ang pagkapanalo sa nakaraang eleksyon ay walang dudang sa tulong ni Pacquiao at sa presensya nito sa kanyang mga kampanya.
Nagpalitan ng mga bandila ng Amerika at Pilipinas ang dalawa at sa isang press conference ay tinanong si Reid na kung magkakasalpukan sila sa lona ni Pacquiao noong kabataan niya bilang boksingero, gaano kaya ang kanyang itatagal? Game naman itong sinagot ng senador na, “About five seconds.”
Hindi naman naiwasan ni Bob Arum, promoter ni Pacquiao, na magbalik-alaala sa panahon ng kasikatan ni yumaong Muhammad Ali na kanya ring hinawakan, habang nasa loob sila ng Capitol grounds.
Ayon pa kay Reid, ang Presidente Barak Obama ay nagpumilit na makita si Pacquiao at ang maybahay na si Jinky dahil sa katangi tanging istorya ng buhay nito. Pinanganak mula sa mahirap na pamilya at isang batang kalsada na napilitang gamitin ang kakayahan sa boxing sa pagiging breadwinner nito na nauwi sa pagkakaroon ng nag-iisang titulo ng World Champion sa eight different weight divisions. Ito ay isang inspirasyon at magandang modelo sa lahat ng kabataan, maging Amerikano man o Filipino.
Ilan sa napagkwentuhan nina Obama at Pacquiao ay tungkol sa boksing, basketball at kaunting ‘business talks’. Inimbita din ni Pacquiao ang US President na manood ng kanyang laban kay American boxer Shane Mosley sa Mayo 7 sa MGM Grand ng Las Vegas. Kahit na batid na busy ang kanyang schedule, sumagot umano si Obama na panonoorin ang laban sa telebisyon.
Sinasabing nag-pose pa ang dalawa sa ilang litrato, kabilang ang isang boxing pose sa loob ng Oval Office, ayon kay Fred Sternburg, publicist ni Pacquiao.
Binigyan ni Obama si Pacquiao ng isang relong mayroong presidential seal at tatlong grocery bags ng light blue M&M’s na mayroon ding seal. Sinabi pa ni Obama na sa darating na panahon ay gusto niyang mabisita ang Pilipinas.
Bandang umaga, binisita ni Pacquiao ang Philippine Consul General Domingo “Ding” Nolasco kung saan napagusapan ang People’s Champ sa SAVE Act – isang bill na nakabinbin sa Capitol Hill na magbibigay ng exemptiona sa buwis sa parehong bansa, tela mula sa US at mga RTWs mula sa Pilipinas.
Ipinangako naman ni Pacquiao ang pagbabanggit ng nasabing bill kay President Obama kung siya ay mabibigyan ng pagkakataon.
Pinalalahanan rin ang mga Amerikano ng nasabing okasyon ang naging mayaman at historical ties sa pagitan ng Amerikana at Pilipinas, bilang balik tanaw sa nakaraan, sa World War II, noong ang mga sundalong Filipino, na mga kasapi ng US Commonwealth, ay patuloy na lumaban kahit na pagkatapos ng kanilang paglisan. Binigyang diin ang pagsusumikap na matulungan ang mga nabubuhay na beteranong Pilipinong tinanggalan ng karapatan ng US Congress 65 taon na ang nakakalipas.
Samantala, noong tinanong si Pacquiao kung i-endorso ang Presidente Obama sa susunod na halalan. Isang pilyong at matalinong sagot ang iniwan nito, ‘Huwag na muna natin pag-usapan yan’, pagtatapos ni Pacquiao.