in

PAGSABOG SA ISANG SIMBAHAN SA SULU SA ARAW NG PASKO

 

POPE BENEDICT XVI – Itigil ang galit at pag uusig sa lahat ng kristiyano sa mundo

Isang bomba ang sumabog habang ginaganap ang banal na pagdiriwang ng Misa noong Pasko sa isang kapilya sa loob ng isang kampo ng pulisya, isang pari ang sugatan gayun din ang 10 churchgoers sa Jolo Island sa Sulu.

Ang isla ay nasa ilalim ng Abu Sayyaf, ngunit hindi pa malinaw kung sila ang dapat managot ng pagsabog.

Ayon kay Edwin Lacierda, ang tagapagsalita ni President Benigno Aquino III, ang pagsabog na ito “lumalabag sa mga prinsipyo ng rispeto at kapayapaan ng lahat na pinanghahawakan ang kanilang pananampalataya.” Sinabi niya maaaring walang relihiyon o pulitika ang magbibigay-katwiran sa pag-atake.

Pati ang Papa, sa Vatican  ay nagdadalamhati sa pag uusig sa lahat ng kristiyano sa buong mundo. ‘Ako ay nagluluksa sa pagsabog ng isang bomba sa simbahan sa Pilipinas habang kanilang ginugunita ang pagsilang ni Kristo sa mundo’, mga pangungusap ni Pope Benedict XVI sa angelus kahapon, Dec 26, 2010 sa pagdiriwang ng ‘Santo Stefano’. Kasabay nito ang panalangin sa mga kaugnay ng mga kaganapan sa Pakistan, sa Nigeria at sa China.

Nakararami ang mga Katoliko sa Pilipinas, ngunit minorya ang bilang ng mga Kristiyano sa Jolo at kalapit na isla, ang karamihan ay mga Muslim.

Ang pambobomba sa mga pangunahing katedral ng Jolo noong nakaraang taon ay pumatay din ng dalawang churchgoers sa pamamagitan ng mga granada. Ang Abu Sayyaf, na kinikilala sa kanilang high-profile kidnappings at di karaniwang pagpatay, ay ang pangunahing suspect sa mga pag atake.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PILIPINAS, UNANG BANSANG MAY MALAKING BAHAGI SA BELEN SA VATICAN

LIBRENG KURSO NG ITALIAN LANGUAGE, PAGHAHANDA SA EXAM