in

Pagsasara ng 10 embahada sa Europa, iparerebisa

Marso 9, 2012 – Ipaparebisa sa Senado ang naging desisyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ipasara ang sampung embahada at konsulada sa Europa.

altAyon kay Senator Manny Villar ay gagawa ito ng panukala upang malaman kung anu-ano ang mga lugar at kung ano ang dahilan ng pagsasara. Para sa senador, ang mga embahada ang nagbabantay sa kapakanan ng mga ofws.

Samantala, naniniwala naman si Senador Ralph Recto na malaking pinsala ang hakbang na ito ng  gobyerno sa mga ofw na nagtatrabaho at naninirahan lalo na sa Europa.

Ayon sa DFA kamakailan, ay makatitipid mula P100 milyon hanggang P150 milyon sa pagpapa­sara ng sampung embahada at konsulado sa Europa.

Para kay Senator Recto ang paglilingkod sa mga Pinoys abroad ay maipapakita sa presensya ng mga embahada, at dapat itong ituring na isang ‘investment’ at hndi isang ‘gastusin.

Tiniyak naman ng DFA na ‘minimal’ lamang ang magiging epekto sa pagkakaloob ng serbisyo bunsod sa pagpapasara sa 10 embahada at konsulado.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

35,000 seasonal workers, papasok ng Italya

Charice, may bagong image