in

PANGASINAN, umaasa sa pagdagsa ng mga turista ngayong summer!

altBALITANG PANGASINAN – Isang misa ang idinaos sa Dagupan City, Pangasinan sa pagsalubong sa unang araw ng pagdiriwang ng Bangus Festival 2011 noong nakaraang Sabado, ika 9 ng Abril.

Kasama sa grand opening ng festival ang publiko para sa pag-awit ng Caoayan at Voices of the Youth Choral Group ng Dagupan City National High School sa team song ng Bangus fest.

Masaya ring inawit ng grupo ang iba pang Pangasinense songs na tungkol sa yamang dagat.

Dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga tao sa festival, inilatag ng Dagupan City Police, ang mga programa para sa seguridad ng mga taong manonood at bibisista sa siyudad.

Hundred Islandsalt

Unti-unti nang dumaragsa ang mga turista sa sikat na Hundred Islands National Park sa Alaminos City , Pangasinan. Patuloy na ang pag-ikot ng mga turista sa Lucap wharf, at sa mga isla. Nagbibigay rin ito ng pagkakataon sa mga maliliit na negosyante na kumita ng bahagya.

Inaasahan rin ng lokal na pamahalaan ng Alaminos na lalo pang dadami ang mga turista ngayong bakasyon, lalo na sa Holy Week.

May mga aabangan din umanong aktibidad para palakasin ang turismo sa isla, gaya ng “gali-langoy” eco-tourism adventure race.

Si Miss Alaminos Maria Benigna de Guzman, hinikayt din ang mga turista na bisitahin ang kanilang ipinagmamalaking Hundred Islands .

“Hundred Islands contribute to 75 percent of the tourism arrival in Pangasinan. It’s a place where you could relax. It’s really rejuvenating to enjoy the nature,” ayon kay De Guzman.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Roma, 5,000 € kapalit ng regularisasyon

Mga pagtanggi sa request ng STP ng mga dayuhang hindi regular, binatikos!