in

Pasaherong pahihintulutang makapasok sa Pilipinas, lilimitahan

Ako Ay Pilipino

Lilimitahan ang mga pasaherong pahihintulutang makapasok sa Pilipinas kada araw. 

Ito ay batay sa abisong inilabas ng Civil Aeronautics Board (CAB) kung saan nasasaad na nililimitahan hanggang 1,500 lamang ang mga pasahero kada araw na darating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula March 18 hanggang April 18, 2021.

Kaugnay nito, ayon sa Advisory ng Philippine Embassy to Italy, ay pansamantala ring suspendido ang pagpasok sa Pilipinas ng mga Foreign Nationals at ng mga Returning Overseas Filipinos na hindi-OFWs simula March 20 hanggang April 19, 2021

Ayon sa advisory, makakapasok lamang sa Pilipinas sa mga araw ng suspensyon ang mga sumusunod: 

  1. Holders of 9 (e) visas;
  2. Medical Repatriation and their escort/s duly endorsed by the Department of Foreign Affairs – OUMWA  or OWWA;
  3. Distressed Returning Overseas Filipinos (ROFs) duly endorsed by the Department of Foreign Affairs – OUMWA;
  4. Emergency, humanitarian, approved by National Task Force Covid19.

Ayon pa sa abiso ng CAB, pagmumultahin ng P10,000 kada sobrang pasahero ang sinumang airline na lalagpas sa itinakdang bilang. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ora legale, malapit na ang pagbabalik

P.3, ang bagong Philippine Covid19 variant, kumpirmado