in

Pilipinas at Vietnam, gagawa ng strategic partnership kontra China

Pilipinas at Vietnam, naghahanda ng kasunduan at magtutulong kontra sa patuloy na paglawak ng reclamation ng China.

 

 

 

 


Abril 20, 2015 – Naghahanda ang Pilipinas at Vietnam  para sa isang kasunduan o strategic partnership. Ito ay ang pagtutulungan ng dalawang bansa kontra sa patuloy na paglawak ng reclamation ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo kabilang na ang West Philippine Sea.

Ang Vietnam umano ang lumapit sa Pilipinas para gawin ang strategic partnership, ayon kay Pangulong Noynoy Aquino.

Gayunpaman, wala pang naitatakdang petsa kung kailan magaganap ang pirmahan ng kasunduan.

Ang Vietnam ay isa sa ilang mga bansa na nakakabangga ng China dahil sa kwestyon ng pagmamay-ari ng ilang teritoryo.

Kaugnay nito, naglabas ng mga larawan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan makikita kung paanong patuloy na lumalawak ang reclamation activities ng China sa Pilipinas.

Sa katunayan, makikita sa mga litrato na iprinisinta ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr. ang ng mga aktibidad ng China sa pinag-aagawang teritoryo, kabilang ang sa Kagitingan Reef at Panganiban Reef.

Ang reclamation works ay nakakaalarma hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Nagiging banta rin ang mga aktibidad ng China sa kalakalan o sa pagdaan ng mga barkong naghahatid ng mga produkto sa iba't ibang bansa.

Bukod dito, isang ulat ang natanggap ng AFP ukol sa pantataboy ng Chinese authorities sa mga mangingisdang Pinoy malapit sa reclamation sites.  Para kay Catapang, kailangan ng bumuo ng task force ang gobyerno para matulungan ang mga kababayang makapangisda sa teritoryo.

Suportado ng AFP ang posisyon ng gobyernong iprotesta ang construction works ng China. Ayon kay Catapang, ito ay lumalabag sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea na pinirmahan nito at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong 2002.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mag-aaral, paano magpapatala sa SSN?

Ambassador Domingo P. Nolasco, ang bagong Philippine Ambassador to Italy