Sinasabing “More fun in the Philippines”, at itinuturing ang mga Pinoy bilang pala-kaibigan, hospitable at masayahing lahi ngunit ang bansang Pilipinas sa listahan ng unang 100 pinakamasasayang bansa sa mundo ay di kabilang.
Sa inilabas na World Happiness Report kamakailan ng UN gamit ang “Cantril Ladder” ay nagreresultang sa loob ng 156 mga bansa na ini-ranggo ng”, ang Pilipinas ay nasa ika-103 happiest country, matapos ang Iraq at Nigeria.
Ang Cantril Ladder ay isa sa mga kagamitang ginagamit ng UN upang misurahin ang kaligayahan ng isang tao.
Ayon sa UN: “The specific data we use are drawn from the Gallup World Poll (GWP), the World Values Survey (WVS), the European Values Survey (EVS), and the European Social Survey (ESS).”
Gamit ang Cantril Ladder, ang Pilipinas ay naiwan ng mga kalapit bansa nito sa Asya tulad ng:
Japan (44th place)
Taiwan (46th place)
Malaysia (51st place)
Thailand (52nd place)
South Korea (56th place)
Vietnam (65th place), and
Hongkong (57th place).
China was ranked 112th.
Nananatiling naiwan ang Pilipinas ng Namibia (97th place), Iraq (98th place), at Nigeria (100th place).
Samantala, sa “Happiness Index per Country” naman ng UN, gamit ang ibang uri ng pang misura – ang pinagsamang World Values Survey at European Values Survey – ang Pilipinas ay nasa ika-28, malapit sa mga bansang United States (ika-23) at ng Canada (ika- 24).
Ang 10 happiest countries ayon sa Cantril Ladder ay ang mga sumusunod:
bnasa * bilang ng mga Filipinos sa bansa
1. Denmark 9,401
2. Finland 2,111
3. Norway 21,154
4. Netherlands 19,658
5. Canada 667,674
6. Switzerland 19,529
7. Sweden 13,707
8. New Zealand 29,699
9. Australia 345,592
10. Ireland 13,800
Binase ang ranking ng UN ayon sa “external factors” na nagdudulot ng kasiyahan tulad ng:
- Income
- Work
- Community and governance
- Values and religion
Samantala ang mga “personal factors” naman ay ang mga sumusunod:
- Mental health
- Physical Health
- Family experience
- Education
- Gender and age