in

Pilipinas, ika-8 sa Top 10 countires ng ice bucket challenge

Agosto 29, 2014 – Ika-walo ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming tumugon sa sikat na hamon na ALS ice bucket challenge.

Batay sa datos na nakalap ng Facebook, pasok ang Pilipinas sa top 10 countries na may pinakamaraming tumugon sa hamon ng ice bucket na may pangunahing layuning mangalap ng donasyon para sa mga may sakit na ALS.

Nangunguna ang Estados Unidos kung saan nagmula ang challenge na sinusundan ng Australia.Pangatlo ang New Zealand, ika-apat ang Canada at ika-lima ang Mexico. Pang-anim ang Brazil, ika-pito ang Germany at kasunod na ang Pilipinas. Ika-siyam naman ang Puerto Rico at ika-10 ang India.

Ang mga datos na ginamit ng Facebook ay mula Hunyo 1 hanggang Agosto 13. Kabilang dito ay ang mga Facebook page tungkol sa ice bucket challenge.

Sa Pilipinas, maraming mga personalidad, mga pulitiko, artista, mamamahayag, businessmen, at maging mga ordinaryong tao ang sumabak sa ice bucket challenge.

Ang ALS o Lou Gehrig's disease ay nakaaapekto sa nerve cells ng utak at spinal cord. Ang pamamanhid na nararamdaman kapag nabuhusan ng tubig na may yelo ang karaniwan umanong dinaranas ng mga may sakit na ALS.

Matapos mahamon sa ALS Ice Bucket Challenge, kailangang buhusan ng indibidwal ang sarili ng tubig na may yelo. Kapag nabigo sa loob ng 24 na oras, kailangan siyang magbigay ng donasyon sa ALS.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

3,9 milyon – mga non-EU nationals sa Italya noong 2013

VOTE FOR VIGAN AS NEW 7 WONDERS – CITIES