in

Pilipinas, ikatlong destination country ng pinakamalaking remittance mula Italya

Money transfer o Bank transfer, ito ang paraan ng pagpapadala ng pera o remittance ng mga migrante mula sa Italya. Ngunit saan ba ipinapadala ng mga migrante sa Italya ang kanilang pera? Narito ang ulat mula sa Banca d’Italia.

Sa ginawang ulat ng “Rimesse degli immigrati dall’Italia” kamakailan ay kumpirmado kahit sa taong 2017 ang halaga ng remittance na lumabas ng bansa ay humigit kumulang 5 billion euros.

Ayon pa sa ulat, matapos ang mga bansang Romania at Bangladesh ay nananatili ang Pilipinas bilang ikatlong bansa na nakakatanggap ng pinakamalaking remittance mula sa Italya. Tinatayang umaabot sa mula 334 hanggang 325 million euros sa taong 2017.

Bagaman, nanatiling nangungunang bansa ang Romania sa pinakamalaking halaga ng remittance mula sa Italya ay kapansin-pansin ang malaking pagbaba sa halaga nito, mula 777 million noong 2016 sa 704 million euros.

Pumapangalawa naman ang Bangladesh na sa kabila ng krisis sa Italya ay tumaas mula 485 million euros noong 2016 sa 534 million euros ng taong 2017.

Kapansin-pansin din ang patuloy na pagbaba ng remittance ng Chinese community. Matatandaang umabot sa 2.7 billion euros ang kanilang remittance noong 2012 at halos umabot na lamang ng 136 million euros ngayong 2017 kumpara sa 237 million euros noong 2016.

Kumpara sa taong 2016, ay tumaas rin ang remittance ng mga bansang Senegal, mula 278 sa 309 million euros at Morocco mula 269 million sa 277 million euros.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Muling Pagkikig ng TARI

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA PANANAKIT NG ULO