Kaya ng Pilipinas ang epekto ng lumalalang krisis kahit pa hindi ito maiiwasan ng bansa.
Rome, Mayo 24, 2012 – Kahit pa patuloy ang paglala ng euro zone crisis ay maaaring kayanin diumano ito ng Pilipinas, ayon sa Bangko Sentral Ng Pilipinas (BSP) ngayong Huwebes.
“Ang euro zone problem ay tulad ng sakit sa balikat na maaaring nararamdam ngunit hindi ito dahilan ng pagkalumpo”, ayon kay governor Amando Tetangco Jr., ang governor ng BSP.
Ayon pa dito, pinahusay din diumano ng pamahalaan ang piskal na posisyon ng bansa, ang foreign exchange reserves at tempered inflation na magpapanatiling nakatayo dito kahit pa lumala ang krisis sa Europa.
Gayunpaman, aminado si Tetangco na hindi makakaiwas sa epekto ng krisis ang bansa lalo na sa magiging epekto nito sa mga remittances, trade at investments.
Tinatayang 12 % ng export revenues ng Pilipinas ang mula sa euro zone account, samantala 16% naman ang remittances ng mga ofws.