It's more romantic in the Philippines!
Rome – Enero 22, 2013 – Sa kabila ng unresolved dispute ukol sa West Philippine Sea sa pagitan ng dalawang bansa, ang China ay tila friendly pa rin sa Pilipinas kung turismo ang pag-uusapan.
Ito ay matapos kilalanin ng isang Chinese newspaper ang Pilipinas bilang "most romantic destination."
Inanunsyo ng DFA, sa pamamagitan ng kanilang website, na iginawad ng Shanghai Morning Post ang parangal sa Pilipinas noong nakaraang Enero 15 sa Shanghai Peninsula Hotel matapos ang isinagawang consumer survey.
Bukod sa Pilipinas, kinilala rin ng Shanghai Morning Post ang Australia bilang "The Best Tour Destination for Discovery”, ang Switzerland bilang "The Best Shopping Paradise", ang Korea bilang "The Best Skiing Destination", ang Germany bilang "The Best Destination for Art Appreciation."
Samantala, kinilala rin ng isa pang Chinese newspaper, ang Oriental Morning, bilang "Best Tourist Destination" noong nakaraang Enero 9.
Dahil sa mga nabanggit na pagkilala mula sa bansang China ay inaasahan ng DFA na marami pang Chinese tourist ang bibisita sa Pilipinas sa pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong Pebrero.
"More and more Chinese are travelling to the Philippines especially during this winter season in China and for the upcoming week-long Chinese New Year holiday in February," ayon sa DFA. (larawan ni: Boyet Abucay)