in

Pilipinas, nangunguna sa paniniwala sa Diyos

Pilipinas ang nagunguna sa bilang sa mga naniniwala sa Diyos, samantala, ang mga nakakatanda naman ay ang mga pinakarelihiyoso.

altRome, Mayo 15, 2012 – Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ng US na lumabas noong Abril ng taong kasalukuyan, ang Pilipinas ay nangungunang bansa sa bilang ng mga naniniwala sa Diyos, samantala ang ating mga nakakatanda sa bansa naman ang itinuturing na pinaka-relihiyoso.

Ang paniniwala sa Diyos ay lumalabas na pinaka malakas sa US at sa ibang bansang katoliko at pinakamahina naman sa Scandinavia at mga ex-Soviet states, ayon sa isang survey ng NORC research group ng University of Chicago.

Ang pagsusuri ay ginawa sa 30 bansa, karamihan ay mga katoliko – kung saan ang pagsusuri ukol sa paniniwala sa Diyos ay ginawa mula pa noong 1991.

Napag-alaman na ang 94% ng mga mamamayang Pilipino ay sinabing malaki ang tiwala sa Diyos, sinundan ng Chile 88% at ang US naman ay 81%.

Pinakakakaunti ang mga naniniwala sa Diyos sa East Germany (13 %) at sa Czech Republic naman ay 20%.

Napag-alaman ng pagsusuri na ang atheism ay matatag sa Scandinavia at mga ex- Soviet Union – excluded ang Poland – samakatwid ang paniniwala sa Diyos ay unti-unting nawawala, ngunit hindi sa Russia, Slovenia o Israel.

Ang mga senior citizens naman ay napag-alamang mas malalim ang paniniwala sa Diyos. Sa average, 43% ng respondents, 68 yrs old pataas ay naniniwalang mayroong Diyos kumpara sa 23% ng 27 yrs old pababa.

“Kung titingnang mabuti, ang pagtaas ng paniniwala sa Diyos mula 58 yrs old pataas”, ayon kay Tom Smith na sumulat ng report na may titolong “Belief About God Across Time and Countries.” Ito diumano ay bilang sagot sa nalalapit na mortality.

Sa US, 54% ng mga 28 yrs old pababa, ay sigurado sa paniniwalang mayroong Diyos, kumpara sa 66% ng mga 68 yrs old pataas. Samantala sa France, 8% lamang ng mga kabataan ang naniniwalang mayroong Diyos kumpara sa 26% ng mga mas nakakatanda.

Ang pagsusuring ito ay ginawa noong 1991, 1998 at 2008 at karamihan ay sa mga bansa sa Europa, bukod sa Chile, Japan, New Zealand at Australia.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

2,000 Chinese, nagkansela ng flight sa Pilipinas

Integrasyon? Wika, legalidad at karapatan