in

Pilipinas sa Guinness World of Records

Manila – Agosto 9, 2012 – Muling napabilang sa Guinness World Records ang Pilipinas nang magsagawa sa Cebu ng pinakamalaking chess tournament sa buong mundo.

"The largest board game tournament consisted of 43,157 participants playing chess and was achieved by the Cebu City Sports Commission, Philippines, on 22 January 2012," ayon sa isang artikulo ng GWR sa website nito.

Ayon sa mga report, tinuruan muna ang 750 mga guro na sila naman ang nagturo sa mga mag-aaral kung paano nilalaro ang chess. Isinagawa ang mga tournament sa mga classroom na sinundan naman ng mga tournament ng mga paaralan mula Oktubre hanggang Disyembre 2011,

Si Allan Pason ang nanalo sa "3,200 finalists" sa final games na ginanap mula 21 hanggang 22 ng Enero 2012 noong nakaraang taon sa Cebu City Sports Center mula sa 100 paaralan na mayroong 32 top players bawat paaralan.

Ayon sa RMN  Radyo Mo Nationwide, natalo ng Cebu City ang Russia, kung saan 1,214 lamang ang sumali sa kanilang kumpetisyon noong 2007.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sanctions decree, ipatutupad simula ngayon. Narito ang nilalaman

Update on Effects of Southwest Monsoon