Ayon sa Forbes Magazine, apat na Pilipino ang kasama sa billionaire’s list.
Kabilang ang apat na Pilipino sa listahan ng mga pinakamayayamang tao sa buong mundo, base sa inilabas na ulat ng Forbes Magazine.
Nangunguna sa talaan ng mga Pinoy ang retail magnet na si Henry Sy ng SM Group, na pang-173 sa 2011 Billionaires List na may yamang $5.8 bilyon.
Nasa pang-512 naman ang negosyanteng si Lucio Tan, may-ari ng Philippine Airlines at Asia Brewery sa yamang $2.3 bilyon habang nasa 540 puwesto naman si Andrew Tan, $2.2 bilyon habang si port magnate Enrique Razon ay nasa ika-1057 na may $1.1 bilyong yaman.
Sa ngayon ay umaabot na sa 1,210 ang mga bilyonanaryo sa mundo. Nanguna sa listahan ng pinakamayamang tao sa mundo ang telecom tycoon na si Carlos Slim Helu ng Mexico matapos lampasan ang richest man ng Amerika na si Bill Gates.