Manila – Malinaw ang naging posisyon ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa hindi pagpayag nitong ihimlay si Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Ito ay ayon sa Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa isang deklarasyon nito sa The Associated Press noong nakaraang Biyernes.
Ang naging rekomendasyon ni Vice President Jejomar Binay na ilibing si Marcos sa kanyang bayan sa Ilocos at bigyan ng military honors ay kasalukuyang pinag-aaralang mabuti dahil napagkalooban na diumano ng
military honors noon si Marcos nang iuwi sa Pilipinas ang kanyang mga labi mula sa Hawaii noong 1993.
Natatandaang napatalsik sa Malacanang si Marcos noong 1986 ng EDSA 1 People Power revolution, at pumanaw habang naka-exile sa Hawaii noong 1989. Iniuwi sa Pilipinas ang kanyang mga labi at inilagay sa mausoleum sa Batac, Ilocos Norte.
May 193 lawmakers ang lumagda sa isang resolusyon na humihiling sa pamahalaan na payagan na mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani ngunit ayon sa Malacañang walang dahilan para madaliin ang naging rekomendasyon ni Binay tungkol sa paglilibing kay Marcos.
Samantala, isang survey ng Social Western Stations ang naglabas ng magkahating pananaw ng mga Pilipino ukol sa paglilibing kay Marcos.