in

PopCom: Populasyon ng Pilipinas, 97.755M na

Batay sa pinakahuling pagtatantya ng Commission on Population ay maaaring umabot sa halos 98 milyon ang populasyon ng Pilipinas pagtungtong nitong ika-3 ng Enero 2013.

Ayon sa online counter ng PopCom sa kanilang website, umabot na sa 97,755,571 ang tinatayang bilang ng populasyon ng bansa kahapon, araw ng Huwebes. Ibinatay ang pagtatantya sa 2.0-percent population change mula sa 88,566,732 na populasyon noong Aug. 1, 2007.

“Ang annual population growth rate o APGR ng 2.04 % ay nagpapakita ng bahagyang pagbaba mula 2005-2007 at kung ito ay napanatili, ang hangad na APGR sa 2010 ng 1.95 % ay di malayong naabot”, ayon sa PopCom.

Ipinakita rin ng NSO sa 2010 Census of Population and Housing na umabot na sa 92,337,852 ang populasyon ng Pilipinas noong May 1, 2010.

Ibig sabihin umano nito, tumataas ang populasyon ng 1.90 percent kada taon mula 2000 hanggang 2010 – kumpara sa average annual growth na 2.34 percent mula 1990 hanggang 2000.
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

2 Pinoy inaresto sa Bologna dahil sa shabu

Sale sa Roma at Lazio, sisimulan bukas