Isang batang babae ang ika-100 milyong Filipino.
Maynila, Hulyo 28, 2014 – Isinilang ni Dailin Cabigayan, 27, residente ng Sampaloc, Maynila, si Jennalyn (sa ibang ulat ay pinangalanang Chonalyn) bandang 12:35 ng madaling araw ng Linggo sa Jose Fabella Memorial Hospital Sta. Cruz, Maynila. Siya ang kumakatawan bilang ika-100 milyong Filipino.
Ayon sa Agence France-Presse, isa lamang si Jennalyn sa 100 bata mula sa iba't bang parte ng bansa na kinilala bilang "100,000,000th baby."
"This is both an opportunity and a challenge… an opportunity we should take advantage of and a challenge we recognize," ayon kay Population Commission executive director Dr. Juan Antonio Perez III.
Sa kasalukuyan, ika-12 ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo.