in

Populasyon sa Pilipinas, papalo sa 105.7 milyon sa 2017

Inaasahang aabot sa 105.7 milyon ang populasyon ng Pilipinas bago magtapos ang taong 2017.

 

Enero 4, 2017 – Ayon sa Commission on Population (PopCom), malaki ang tsansang umabot sa na sa 105,758,850 ang populasyon pagsapit ng December 31, 2017.

Ayon pa sa PopCom, sa isang minuto ay may 3.22 pagsilang ng sanggol ang magaganap. Dahil dito, posibleng umabot sa 1,691,897 mga sanggol ang isisilang sa susunod na taon. Ang trend na ito ay inaasahang magpapatuloy hanggang 2022 dahil sa taas ng fertility rates ng mga Pilipina.

Mas mataas umano ang bilang ng mga kababaihan na nasa tamang edad na may kakayanang magdalantao at magbuntis.

Sa pagsapit ng 2017, aabot umano sa 27,293,422 ang mga kababaihang nasa pagitan ng edad 15 hanggang 49 anyos. At ang bilang na ito ang pinakamataas na sa tala ng PopCom kumpara sa mga nakalipas na taon.

Sa pagtatapos ng 2017, sa tantiya ng POPCOM ay magkakaroon ng 31.5 milyong batang Pilipinong  nag-aaral, 66.7 milyong Pilipino nasa labor force, at 5.2 milyong Pilipino na ang edad ay higit sa 65.

Ginawa ang projections gamit ang data mula sa Philippine Statistics Authority, ani POPCOM.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Selection ng higit sa 1,000 volunteers para sa Servizio Civile, kabilang ang mga imigrante

Winter sale 2017 sa Italya, simula bukas