in

Puerto Princesa Undergroud River, kabilang sa Ramsar wetlands

Ang Puerto Princesa Underground River (PPUR) sa Palawan ay opisyal na naitala bilang wetland of international importance ng Ramsar Convention on Wetlands.

Kahit pa na ang designation date ng PPUR bilang Ramsar site ay noong nakaraang June 30, 2012, ay sinabi ni Secretary of Environment and Natural Resources Ramon J. P. Paje “na ang anotasyon sa Pilipinas sa pagkakaroon ng limang sites at ang designasyon sa PPUR bilang Ramsar Site No. 2084 ay opisyal na nakumpirma sa pagiging wetland of international importance”. Ito ay matatagpuan sa website ng Ramsar Site Information Service www.ramsar.org.

Ang iba pang apat na lugar sa Pilipinas ay ang Agusan Marsh Wildlife Sanctuary sa Mindanao, ang Naujan Lake National Park sa Oriental Mindoro, ang Olango Island Wildlife Sanctuary sa Cebu, at ang Tubbataha Reefs National Park na matatagpuan sa Palawan rin. May kabuuang 154,234 hectares (1,542.34 square kilometers) ang limang sites.

Ang naturang deklarasyon ay dagdag karangalan sa PPUR na isang UNESCO World Heritage Site at isa sa New Seven Wonders of Nature.

Ayon pa rin sa environment chief, bagaman walang monetary prize ang pagiging opisyal na Ramsar site, ito diumano ay maaaring maging sanhi ng mga teknika, pinasyal at anumang uri ng assistance upang mapanatili at mapag-ibayo pa ang kagandahan ng naturang site.

Ang pagkakasali ng PPUR sa naturang prestihiyosong listahan ay sa ginawang nominasyon ng Protected Area and Wildlife Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong Disyembre 2011 dahil sa kakaiba at mayaman na biodiversity nito. Ang naturang nominasyon ay ipinirisinta sa isang kumperensya na ginanap sa Bucharest, Romania.

Ang Ramsar Convention ay isang international treaty na naglalayong protektahan at konserbahan ang mga naiiwang wetlands sa mundo. Isa ang Pilipinas sa 119 bansang signatory sa naturang treaty na ginanap sa lunsodng Ramsar noong 1971.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mula shop ng mga bisikleta hanggang sa typical restaurant, 400 ideya para sa Start it up

Chocolate powder, kontaminado ng salmonella