in

QC health office , mamimigay ng condoms sa Valentine’s Day

Manila, 13 Pebrero 2012 – Naghayag ang city health office head na si Dr. Antonienta Inumerable na ang health officials ng Quezon City ay mamimigay ng condoms sa Valetine’s Day sa Martes. Layunin diumano ng naturang proyekto ay upang maiwasan ang pagkalat ng human immunodeficiency virus (HIV).

altSamantala, nanawagan naman ang dating Catholic Bishop’s Conference of the Philippines president and Jara (Iloilo) Archbishop Angel Ladameo sa health officials na huwag mamahagi ng condoms.

“The use of contraceptives affects the morality of our people and our society in general,” ani Lagdameo nitong Biyernes sa isang panayam, sapagkat kinakailangan umanong masanay ang mga Pilipino sa “abstinence, fidelity to one’s spouse and obedience to God’s will.”

Sa kabila ng panawagan, ayon sa ulat, ay mamimigay ng mga condom ang health office sa mga bar, massage parlor at iba pang entertainment establishment sa lugar ng Quezon City Memorial Circle, Quirino Highway, Quezon Avenue at Cubao.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

European Council: “Tayo ay nangangailangan ng mga imigrante”

Bagnasco: “Matutunan ang wikang italyano para sa tunay na integrasyon”