Isang record ang remittance mula sa mga ofws sa buwan ng Oktubre sa kabila ng global crisis. Ito ay itinuturing na pinakatamataas na naitala.
MANILA – Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang remittance ng buwan ng Oktubre ay umabot sa $1.8 billion, mas mataas ng 6% kumpara noong nakaraang taon at itinuturing na pinakamataas sa mga naitala sa nakaaan.
Ayon sa central bank Governor na si Amando M. Tetangco Jr., mula Enero hanggang Oktubre ng taong kasalukuyan ay umabot ng US$16.5 billion ang mga remittances mula sa mga ofws.
Para sa sampung buwang remittances mula sa mga land-based workers ay umabot sa four-fifths ng kabuuan o US$13 billion samatalang 21% naman ay mula sa remittances ng mga sea-based workers o US$3.5 billion.
Ang Italya ay isa sa sampung pangunahing mga bansa sa pagpapadala ng remittances. Kabilang din ang United States, Canada, Saudi Arabia, United Kingdom, Japan, United Arab Emirates, Singapore, Germany at Norway.
Ayon sa mga pagsusuri, tumaas ang mga ipinadalang remittances ng mga ofws dahil sa mga nagdaang sakuna tulad ng bagyong Quiel at Pedring noong nakaraang Setyembre.
Ang mabilis din diumanong pagdami ng mga money transfer, bangko at mga telecommunication companies na nagbibigay ng mas episyenteng serbisyo ay nakakabighani sa mga ofws para magpadala ng pera sa bansa.