Ang Reproductive Health bill, kilala bilang ang RH bill, ay isang bill sa Pilipinas na naglalayong masiguro ang mga pamamaraan at mga impormasyon sa birth control at maternal care. Ang bill ay naging sentro ng isang maninit na debate sa bansa. Sa kasalukuyan ay may dalawang panukalang batas na may parehong layunin: House Bill No 96 o ang Reproductive Health Act at Populasyon at Development Act ng 2010 ipinakilala ng Albay1st district representative Edcel Lagman, at ang Senate Bill No 2378 o ang Reproductive Health Act ipinakilala ng Senador Miriam Defensor Santiago.
Habang may kasunduan ukol sa mga probisyon hinggil sa maternal at child health, mainit ang debate sa mga panukala na ang mga nagbabayad ng buwis at ang mga pribadong sektor ay popondohan ang pamamahagi ng mga aparato tulad ng birth control pills (BCPs) at IUD, ang pamahalaan naman ay patuloy na mamahagi ng mga impormasyon tungkol sa kanilang gamit sa pamamagitan ng lahat ng mga health centre. Ang mga pribadong kompanya at mga publiko at pribadong paaralan ay kinakailangan lumahok sa mga pagpapakalat ng impormasyon at diseminasyon ng produkto bilang isang paraan ng pagkontrol ng populasyon ng Pilipinas.
Ang bill ay pinagtatalunan ng mga eksperto, akademya, institusyong relihiyoso, at mga pangunahing politico sa parehong panig. Ang isyu ay nagiging sanhi ng pagkakaiba at pagkakabahagi ng popolasyon hanggang umabot sa isang pahayag na patatalsikin ang Presidente, Benigno Aquino III kung siya ay susuporta sa nasabing bill.