Marso 19, 2013 – Nagpalabas ng "status quo ante" order, isang kautusan buhat sa Korte Suprema na magtatagal ng 120 araw. Dahilan upang hindi pa rin maipatutupad ang RH law.
Sa botong 10-5, napagkasunduan diumano ng mga mahistrado na ipalabas ang nasabing kautusan para pigilin ang pagpapatupad ng RH law o Republic Act 10354, matapos gawing batas ni Pangulong Benigno Aquino III noong Disyembre 2012.
Ang limang mahistrado na tumutol na pigilin ang pagpapatupad ng RA 10354 ay sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Associate Justices Antonio Carpio, Mariano del Castillo, Estela Perlas-Bernabe at Marvic Leonen.
Samantala, itinakda ng mga mahistrado sa Hunyo 18 ang oral arguments para sa mga pinagsama-samang reklamo laban sa RH laws.