in

Rispeto at paggalang bilang mga manggagawa, hinaing ng mga kasambahay sa Asya

MANILA – Ginanap ang post-International Labor Conference sa dalawang araw na pagtitipon noong Oktubre 24,25 at 26 sa Intercontinental Hotel sa Maynila na dinaluhan ng mga domestic helper mula sa iba’t ibang bansa sa Asya.

altSa nasabing pagtitipon nanawagan si Lilibeth Masamloc, pangulo ng Samahan at Ugnayan ng mga Manggagawang Pantahanan sa Pilipinas, ukol sa hinaing ng mga domestic worker sa Asya. Hiniling din nito na sundin ang International Convention 189 (C189), ang batas na nangangalaga sa karapatan ng mga kasambahay.

Sa International Labor Conference sa Geneva, Switzerland noong Hunyo 16, napagkasunduan ang aplikasyon ng C189 para sa mga domestic worker. Nakasaad sa C189 ang pangangailangan na magkaroon ng patas na pasahod at benepisyo para sa mga kasambahay. Kabilang rito ang pagkakaroon ng proteksyong panlipunan, health insurance, maternity benefits, at iba pa kung kaya’t mainit ang panawagan ni Masamloc na suriing mabuti ang kasalukuyang polisiya ng bansa kung papasa sa pamantayan ng C189.

Ang mga hinaing na inilahad ni Masamloc ay kaugnay ang malinaw at nakasulat sa kontrata ang mga napagkasunduan ng magkabilang panig, ang malinaw na regulasyon para sa mga recruiters upang hindi mabiktima sa human trafficking at forced labor, ang magkaroon ng karapatan na makisali o bumuo ng organisasyon at makilala rin bilang mga manggagawa na may disenteng hanap-buhay, katulad ng mga namamasukan sa mga pabrika, tanggapan o malalaking tindahan.

Kabilang ang mga kabataang kasambahay sa panawagan ni Masamloc. “Kailangan silang mabigyan ng patas na proteksyon at benepisyo katulad ng karapatang makapag-aral at mapaunlad ang sariling kaalaman at kakayanan, magpahinga, maglaro, at mapangalagaan laban sa abuso.”

Sa pagwawakas ni  Masamloc, nagnanais itong mawala ang lahat ng balakid upang hindi marinig ang kanilang tinig lalo na sa mga lokal, pambansa, at pandaigdigang usapin na tungkol sa kanilang buhay at trabaho, kasama na ang collective bargaining.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Oneri accessori at oneri condominiali ano ang mga ito?

Dubai OFW Jonathan Defante Wins UN Citizen Ambassadors Contest