Bagaman humina na ang bagyong “Pablo” matapos tumama sa kalupaan Martes ng madaling-araw, ay nananatiling nakataas pa rin ang public storm signal sa 46 lugar.
Signal No. 3 sa mga sumusunod na lugar :
-Northern Palawan
-Calamian Group of Islands
-Bohol
-Siquijor
-Southern Cebu
-Negros Oriental
-Southern Negros Occidental
-Iloilo
-Guimaras
-Antique
-Lanao del Norte
-Misamis Occidental
Signal No. 2 sa mga sumusunod
-Nalalabing bahagi ng Palawan
-Aklan
-Capiz
-Nalalabing bahagi ng Cebu
-Camotes Island
-Nalalabing bahagi ng Negros Occidental
-Misamis Oriental
-Camiguin
-Agusan del Norte
-Bukidnon
-Lanao del Sur
-Zamboanga del Sur
-Zamboanga Sibugay
-Camiguin
Signal No. 1 naman sa mga sumusunod na lugar:
-Occidental Mindoro
-Oriental Mindoro
-Romblon
-Leyte
-Biliran
-Southern Leyte
-Surigao del Norte
-Siargao
-Surigao del Sur
-Dinagat
-Agusan del Sur
-Davao del Norte
-Compostela Valley
-North Cotabato
-Maguindanao
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging nasa 160 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 195 kilometro kada oras ng huling makita ang sentro nito sa 60 kilometro timog-silangan ng Dumaguete City at may bilis na 24 kilometro kada oras.
Ayon sa PAGASA, inaasahan ang bagyong Pablo bukas ng hapon sa Coron, Palawan, sa Subic, Zambales sa Huwebes hapon at Iba, Zambales sa Biyernes ng hapon bago tuluyang lalabas ng
Philippine Area of Responsibility (PAR).
Taglay pa rin naman ni Pablo ang heavy – intense na pag-ulan na mararanasan sa loob ng 500 km lawak ng bagyo.
Ipinagbabawal pa rin ang bumiyahe ang maliliit na sasakyang pangisda at iba pang sea vessels sa seaboards ng Visayas at Mindanao.
Pinag-iingat naman ang mga nakatira sa mabababa at bulubunduking lugar sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa, gayundin sa storm surge lalo na ang mga residente sa coastal areas na nasa ilalim ng signal no. 2 at 3.