in

Spinosini 2000 with Omega 3, matitikman sa Maynila

altMagmula Nov. 19 hanggang Nov. 26 ay bibisitahin ang Maynila ni Vincenzo Spinosi, lalong kilala bilang “Italy’s King of Pasta” upang ipatikim ang kanyang special menus at mag-conduct ng mga cooking class.

Kasama ang executive chef na si Daniele Turco ng Hotel Gritti Palace ng Venice, ay maghahanda ng masaganang tanghalian at hapunan sa Makati Shangri-La hotel.

Tuturuan diumano ni Spinosi ang mga participants magluto gamit ang kanyang best-selling handmade pasta, ang Spinosini 2000 with Omega 3. Bukod sa napakasarap nito, ito ay isang uri ng pasta na gawa sa 65% ng piling wheat flour at 35% na itlog ng inahin na mayroong espesyal na pagkaing tulad ng gulay at sunflower oil. Ito ang nagbibigay diumano sa pasta ng partikular na lasa at texture.

Si Spinosi ay nagmula sa isang pamilyang kilala sa paggawa ng pasta. Ang kanyang mga pasta ay kinikilalang bihirang produkto sa Italya. Sya rin ay isa sa tatlong Italians na pinarangalan bilang  “Five-Star Diamond Award”  mula sa American Academy of Hospitality Sciences. Sya rin ang nakatanggap ng “Grand Official of Italy” isang parangal tulad ng Nobel Prize.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez, nagharap sa press con bago ang laban

Benepisyon rin para sa mga malaking pamilyang migrante na mayroong carta di soggiorno