Manila, Hulyo 27, 2012 – Ika-146 ang Pilipinas sa 205 nasyong magpaparada sa makulay na opening rites ng London Olympics ngayong araw na ito.
Si weightlifter Hidilyn Diaz ang flag bearer ng Team Philippines na binubuo ng 25 katao na binubuo ng mga atleta, coaches at mga opisyal na suot ang magarang Rajo Laurel-designed Filipiniana attire na gawa sa rayon fabric, at nakasuot din ng salakot sa opening rites.
Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ang babaeng flag-bearer ang bansa simula noong unang lumahok sa 1924 Olympics sa Paris.
Ang ibang atletang kalahok sa Games ay sina archers Mark Javier at Rachelle Cabral, boxer Mark Barriga, BMX rider Danny Caluag, long jumper Marestella Torres, long distance bet Rene Herrera, shooter Brian Rosario, swimmers Jasmine Alkhaldi at Jessie Khing Lacuna at si judoka Tomohiko Hoshina.
Nasa delegasyon din ng bansa sina chef de mission Manny Lopez, Philippine Olympic Committee chair Monico Puentevella, businessman at shooting head Mikee Romero, mga coaches na sina Yasuhiro Sato ng judo, Chung Jae Hun ng archery, Joseph Sy ng athletics, Tony Agustin ng weightlifting, Gay Corral ng shooting at administrative officer Arsenic Lacson.
Samantala, kasama sa magiging chef o tagapagluto para sa Olympics ay isang Pilipino na si Arnold Mendoza, tubong Batangas. Si Arnold ay personal na nad-aplay sa pamamagitan ng internet at matapos ang apat na buwang proseso ay isa nga sa napili si Mendoza.
Sa isang restaurant sa London nagta-trabaho ang chef at sapat na diumano ang kanyang karanasan upang maging isa sa mga chef di lamang sa mga Pilipino at mga atleta ng 2012 Olympics kundi pati na rin sa mga sasali sa Paralympics sa London.