Rome – Enero 22, 2013 – Nakatakda nang isampa sa International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS) ng Pilipinas ang territorial dispute sa pagitan nito at ng bansang China.
Ito ay matapos mag-anunsyo ang Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na ipagpupumilit diumano ng Pilipinas ang sinasaad ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNLOCS) Article 287 Annex 7 upang bigyang solusyon ang pinag-aagawang teritoryo.
"The Philippines have been exchanging views with China to peacefully settle this dispute. To this day solution is still illusive. We hope that the arbitral proceeding shall bring the dispute to a solution," ayon kay Del Rosario.
Si Solicitor General Francis Jardeleza ang legal representative ng Pilipinas sa arbitral proceedings.
Samantala, isang "notifications and statement of claim," ang ginawa ng Pilipinas kung saan detalyadong isinulat ang posisyon nito:
– Ang 9-dash line ng China ay taliwas sa sinasaad ng UNCLOS at umaangkin sa halos kabuuan ng South China Sea ngunit ang ilang bahagi naman nito ay tinatawag na West Philippine Sea ng Pilipinas.
-Sakop ng continental shelf ng Pilipinas ang mga "submerged banks, reefs at low tide elevations" na pinaplano ng China na tayuan ng mga istraktura. Sinakop rin ng China ang ilang "uninhabitable coral projections" na hindi maituturing na mga isla ayon sa UNCLOS.
-Nilabag rin ng China ang karapatan ng Pilipinas sa legitimate maritime zone nito
Ipinapaalala rin ni Del Rosario, ang posisyon ng Pilipinas sa simula pa lamang ay ang International law lamang sa ilalim ng UNCLOS ang maaaring makapagbigay-sagot sa hindi pagkakaunawaan ng dalawang bansa.
Notification and Statement of Claim on West Philippine Sea