in

“There is no hell” – Miriam Santiago

“Under Vatican 2, there is no hell; but even if there is, there is nobody there.”

altMarso 6, 2012 – Ito ang inilabas na statement kahapon ni Sen. Miriam Defensor Santiago bilang tugon kay Fr. Catalino Arevalo, ang spiritual adviser ni dating Pangulong Corazon Aquino, sa binitawang pahayag sa misa na nararapat umano mapunta sa impiyerno ang senadora dahil sa paninigaw at pagtawag nito sa mga prosecutors ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona na mga “gago” noong Miyerkules sa impeachment trial nito.

Ngunit base sa pag-aaral ng theology ng senadora ay napag-alaman niyang wala naman umanong “hell”. “Hell is not a geographical place, but is a metaphor for distance from God,” sabi ni Santiago na nag-master sa Theo­logy sa Maryhill School of Theology.

Napag-alaman pa ni Santiago na kinontak muna nito ang ilang mga reporters para matiyak na magagawan ng ba­lita ang kanyang homily.

 “That priest should spend his energy fighting pedophilia within the Catholic Church, instead of meddling in politics and serving to divide church practitioners,” giit ni Santiago.

Samantala, walang sinuman sa mga lider Simbahang Katoliko sa pamamagitan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang sumagot sa pahayag ni Santiago na “walang impiyerno” na ang ginawa pang source ay ang Vatican 2.

“Para sa akin, ang bawat isa ay may karapatan na sundin ang turo ng Simbahan. Pero kung anuman ang paniniwala ni Senator Santiago ay aking iginagalang,” pahayag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz at nilinaw ng retiradong obispo na ang lahat ng Catholic churches ay naniniwala na mayroong langit at impiyerno. Ang lugar ng impiyerno ay tinatawag din umanong ‘hades’.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pinay DH sa Singapore, magkakaroon na ng day-off

Ano ang R.A. 9262 o Anti-violence against women and children act?