in

Top 10 Selfiest Cities sa buong mundo, narito ang listahan

Nangunguna ang Makati City at ika-siyam naman ang Cebu City sa Top 10 Selfiest cities sa buong mundo. 

 

Rome, Nobyembre 22, 2016 – Nangunguna ang lungsod ng Makati bilang ‘Selfie Capital of the World’, ayon sa report ng TIME magazine.

Sa pagsusuri nito, ang kalahating milyong residente ng Makati City ang nakagawa ng pinakamaraming maraming selfies kumpara sa mga residente ng ibang mga siyudad.

Ayon pa sa TIME magazine, patok na patok sa mga kabataang social media users ang self-shot photographs sa nasabing lugar. Partikular, mayroong 258 selfie-takers sa kada isang daang libong tao sa Makati City, kaya malinaw na ‘selfiest city’ ito sa buong mundo.

Bukod dito, ang TIME magazine ay gumawa rin ng database para sa mahigit apatnaraang libong Instagram photos na may hashtag na ‘selfie’, at may geographic coordinates na 459 na mga siyudad.

Pasok din sa Top 10 selfiest city ang Cebu City, na nasa ika-siyam na pwesto at mayroong 99 selfie-takers sa kada isang daang libong katao.

Narito ang listahan ng Top 10 selfiest cities sa buong mundo:

1. Makati City

2. Manhattan, New York

3. Miami, Florida

4. Anaheim at Santa Ana, California

5. Petaling Jaya, Malaysia

6. Tel Aviv, Israel

7. Manchester, England

8. Milan, Italy

9. Cebu City, Philippines

10. George Town, Malaysia

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Civil Service bukas sa mga dayuhan, ngunit walang permit to stay

Masquerade Party sa ika-limang taong anibersaryo ng COFILMO